About Sofia

14

“For me, it’s a mission dahil dinala ako ng Diyos sa trabahong ito. It’s not just work, inspired ako sa buhay. Inspired ako knowing kung ano ‘yung pwede kong ma-contribute para sa ibang tao.”

Sofia used to work as a photojornalist and a reporter until she decided that writing romance novel is the real thing for her. She loves writing about life and combining it with her fantasy. She loves photography and football fangirling. She has more than two hundred published novels including Stallion Series, Stallion Island Series, Heartbreakers and Skylander.


 

Mga Bagay na Dapat Malaman Tungkol sa Akin
(From: Sofia PHR Facebook August 20, 2010 at 3:54am)

Binulahaw ako ng kapitbahay ko na nagvi-videoke so di akomakapagsulat. Hmmm… naisip kong magbigay ng ilang trivia about me:

  1. Ayokong magbasa ng romance novel na gawa ng ibang Tagalog romance author, published man o hindi. Kasi mapanlait ako. Hehehe! Kapag di ko trip, sinasabi ko talaga. Talo-talo ‘yan. Kaya sa mga di ko nababasahan ng stories nila na gusto nilang ipabasa sa akin, pasensiya na. Madalang kong gawin ito at nasa mood ko pa kung babasahin ko.
  2. Di ako gumagamit ng basta name lang sa story. (unless ako ang nagkagustong gamitin ang name, character at experience ng isang tao at di niya ipinagduldulan sa akin na gawan ko siya ng istorya) Mas gusto kong magsulat base sa totoong character at experience ng isang tao. I work by inspiration. At gusto kong ipagmalaki na ang mga hero or heroines ko na nag-e-exist sa totoong buhay ay may napatunayan sa buhay at sa pag-ibig na pwede nilang i-share sa mundo. Sabi ko nga,walang personalan. Trabaho lang. Kapag pinilit ako sa gusto nila, ang tendency di pumapasa ang novel. Di bale sana kung babayaran ako sa mga novels na di ako pumasa dahil pinilit ko lang. In short, ako ay nagsusulat para mabuhay sa mundo so walang samaan ng loob.
  3. Kapag sobrang tuwa ko sa isang pangyayari o tao, talo-talo na rin ‘yan. Isusulat ko ‘yan sa ayaw niya o hindi. Nadala ko kasi ang motto ko noong photojournalist pa ako: “Shoot first, ask later”. Kaya write first. Saka na sila umangal kapag na-publish na.
  4. Wag din akong gagalitin kasi tinitira ko sa novels ko. Paano malalaman ng taong iyon? kapag naisulat ko sa story ko ang pambubuwisit niya sa akin.
  5. Naisulat ko na ba ang sarili kong love story? Oo naman! Pagkakitaan ang kilig at mga kabiguan. Malalaman na lang ninyo kapag nabasa ninyo sa unahan ang binati kong kafafahan.
  6. Mahilig ba ako sa anime at mga Asianovelas? Dati. Ngayon more on documentaries para maiba naman ang buhay ko. Adik ako ngayon sa Showtime, Magkaribal at kay Rafael Rossel! (Rafael, lalong nasisira ang diskarte ko sa pagsusulat dahil sa iyo!) Pero forever love ko si Piolo Jose.
  7. Dati hilig kong bumiyahe kaso di na ‘yon ang priority ko ngayon. Kaya nga ako rumaraket kasi gusto ko ulit bumalik ng Sagada, mag-travel sa iba’t ibang provinces sa Pinas at pumunta iba’t ibang bansa. Gusto kong ma-meet ang iba’t ibang klase ng tao at malaman ang iba’t ibang kultura para maisulat ko at mai-share sa lahat. Gastos ng pangarap ko.Kaya kailangang makapag-asawa ng mayaman para tustusan niya ang bisyo ko.
  8. Ang tipo kong lalaki ay: masungit na galit sa mundo o kaya ay playboy. Ewan ko ba. Gusto ko ang masusungit. Ang mga playboy naman, gusto kong patinuin kasi faithful sila kapag matino na. Di tulad ng mga mababait sa una pero sa huli taksil naman pala. O kaya mabait nga pero palpak na babae naman ang mahal. Asa pa sa mga ganyang lalaki. (bitter-bitter-an) So doon ako sa playboy na carry na patinuin. (Warning: If di mo kayang i-handle ang mga playboy at madali kang mabola, umiwas ka sa disgrasya.)
  9. Ayoko sa mga heroine na inaapi at wala nang ginawa kundi magpaapi at hihintay na lang ng prinsipeng sasagip sa kanila. Ang sarap naman ng buhay mo, ning. Magsumikap ka naman! Sa amin na lang mga nagpapakahirap sa buhay ang mga fafables. harharhar!
  10. Favorite heroes sa novel na isinulat ko. In no particular order:
  • Reiven Alleje – lumuha ako ng dugo sa isang ito. Destiny kami. Dinadalaw niya ako kahit sa panaginip. At ‘yung eksena niya sa gubat, napanaginipan ko ‘yon. Buti naalala ko pa paggising ko.
  • Reid Alleje – nakulta ang utak ko. Sinusulat ko na si Reichen nang ma-realize ko mag-asawa pala sila dati pa ni Tamarra.
  • Reichen Alleje – **Sigh**
  • Lucian Montecillo – tinatanong pa ba iyan? Love ko mga Pirata.
  • Rohann Madrigal (waaaa! I miss you, Fafa Rohann!)
  • Michael James Lizardo – reminds of Jenna’s ex-bf na si Michael. Miss ko na ang batang ito.
  • Hideki (ang unang hero kong Hapon)
  • Silang, the Fierce Warrior – ito ang pinaka-hot kong hero. Sayawan ka ng nakabahag. Tingnan ko lang kundi mo siya gagawing paborito.
  • Marcus of A Smile in Your Heart – e kasi gusto ko ang mga lalaking nagsusumikap sa buhay
    Elric Montealto of Conquering the Dragon Prince – masungit kasi at nasa kanya ang alaala ni
  • Prince Lee Shin Gun.
  • Lorenzo aka Light of More Than You and Me – kasi dahil sa kanya nawala ang atensiyon ko kay Wyndham.
  • Rhance of Siren for a Night – akala mo wala siyang utak pero meron pala. So wag mamaliitin ang mga lalaki. Mauutak mga iyan.
  • Prince Cid Mykiel of Flame Flower – shemay! Gusto ko ng fafa na slave.
  • Vince of Love Me Like the First Time Again – wala lang. naiiyak ako kapag naaalala ko siya.
  • Rodriguez Brothers of Men of Oz – pero si Jett talaga mahal ko. Siyempre mga historical chuva na ang usapan.
  • Cade of Sweet Enemy – hahaha! Basta gusto ko sila ni Tarra. Isa sa pinakamayabang na hero na nagawa ko.
  • Thorn of Carved in My Heart – ang hot na iskultor.
  • Brant of A Kiss in the Moonlight – Basta mahal ko ang lalaking ito. Gusto ko rin magpahalik sa ilalim ng puno ng mangga.
  • Hiro Hinata – ang dahilan kung bakit gusto kong humilata sa gitna ng daan para lang magpahalik sa kanya.
  • Heartbreakers – nilikha sila para sa akin at sa akin lamang. Masarap mag-travel abroad at may fafa na naghihintay sa iyo. Hohoho!
  • S.I. Village Lords – kahit wala pa sila,alam ko sa akin lang sila. So wag nang aapela pa para maging heroine nila. Kahit bayaran ninyo ako ng isang milyon… well, mapag-uusapan naman ‘yan kung isang milyon ang bayad.
  • Siege Matthews of No Me Ames– pwede ko bang kalimutan si Bossing? Peace!

Matutulog na ako. Aga ko pa mamaya. Tahimik na mga shenglotsa kapitbahay namin. San amanahimik na sila. At ipagdasal sananinyo na makapagsulat ako nang matino. Magre-revise na naman ako. Hayzzz! Sleep na kami ni Wyndham.

  • (Sa nagtatanong bakit wala si Binsay/Leonard Lizardo sa paborito ko, wag na! Bitterness pa rin ako. Bakit wala rin si Torque? Di ko kailangang gawing paborito siya para mahalin siya.)

*** My netbook = Wyndham, ang aking official BF

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s