Hot Intruder

PictureThe Daring Intruder
Pagkatapos iwan si Atheene sa altar ng lalaking pakakasalan niya ay hindi na uli siya nagmahal. Beinte-nuwebe anyos na siya pero single pa rin siya. Naaalarma na sa love life niya ang Lola Betsy niya kaya niregaluhan siya nito ng isang masuwerteng antique statue ng Greek goddess na si Artemis. Masuwerte raw ang estatwang iyon. Baka raw sa tulong niyon ay magkaroon siya ng isang masayang pamilya.
Isang araw pa lamang na napapasakamay niya ang Artemis statue ay naging sunud-sunod na ang gulo sa buhay niya. Natagpuan niya sa loob ng bahay niya ang sikat na model na si Xavian Fortez. Nahuli niya ito sa aktong nanakawin ang estatwa. Wala raw itong balak na saktan siya. Ang gusto lamang nito ay mabawi ang estatwa na ayon dito ay pag-aari ng mama nito.
Well, hindi siya naniwala rito. Mahirap na, baka may dangerous weapon ito at gamitin nito iyon sa kanya. Kaya bago pa siya mahalina sa kaguwapuhan at kakisigan nito ay siya muna ang mananamantala rito.


PictureHeart-melting Intruder
Nagbakasyon si Heart sa isang resort sa bayan ng Aurora para huwag niyang makita ang ex-boyfriend niya na nagpakasal sa babaeng kinaiinisan niya. Pagkakataon na rin niya iyon upang makasagap ng sariwang hangin at maibalik ang mood niya sa pagsusulat. Subalit parang minamalas siya dahil wala pa siyang isang oras sa resort ay nasira na niya ang sauna. At habang payapang nagbababad siya sa Jacuzzi ay nakatulog siya. Pagdilat niya ay nakatunghay sa kanya ang pinakaguwapong lalaking nakita niya… At tila gusto nitong pagsamantalahan siya! Lumaban siya at dinepensahan ang sarili. Hinampas niya ito sa ulo!
Only to find out that he was JM de Guzman, the owner of the resort. Kailangan niyang maging alipin nito sa loob ng isang buwan kung ayaw niyang makulong dahil sa pananakit dito at pabayaran nito sa kanya ang mahal nitong sauna machine.
Wala siyang planong makulong at wala rin siyang malaking halaga na ipambabayad dito. Pero wala rin siyang planong magpadala sa mga ngiti ng lalaking ito. Even if his kisses and touch threatened to melt her heart.


PictureThe Bare Intruder
Simple lang ang pangarap ni Ellora—ang maging proud sa kanya ang papa niya bilang isang sikat na painter. Gusto niyang patunayan na maipagmamalaki pa rin siya nito kahit pinili niyang maging artist kaysa magtrabaho sa kompanya nito.
Nagsisimula na sana siyang makapag-establish ng sariling buhay pero nasira ang lahat ng pangarap at plano niya nang pasukin ng isang pusa at isang guwapong lalaking nagngangalang “Cougar Reveron” ang bahay niya. Nasira ang mga gamit niya at ang painting na plano niyang isali sa isang exhibit na magiging daan sana niya para magkaroon ng malaking pangalan sa larangan ng pagpipinta.
“What do you want me to do then? Kahit ano ay gagawin ko para lang makabawi ako sa iyo at gumaan ang pakiramdam mo,” desididong sabi ni Cougar.
Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Hmm… Papasa itong maging modelo sa nude portrait na kailangan niyang ipinta.


PictureThe Amorous Intruder
Simple lang ang misyon ni Riva sa pagsugod niya sa Villa del Carmen—ang pigilan ang kasal ng paborito niyang pinsan na si Ernest sa kasintahan nitong gold digger na si Estrella. Naniniwala siya na ginamit lang ito ng babaeng iyon para mabayaran ang mga pagkakautang ng villa na pag-aari niyon.
Nagpasya siyang maagang mamahinga para may lakas siya kinabukasan kapag sinimulan na niyang isakatuparan ang kanyang misyon. Pero sa kailaliman ng gabi ay isang guwapo, matipuno, pero lasing na lalaki ang pumasok sa kuwartong inookupa niya. Tinangka pa siyang halikan ng lalaki na nagpakilalang “Arice.” Hindi lamang iyon ang ikinagulat niya; tinawag pa siya nitong “Estrella” at paulit-ulit na sinabi nitong mahal na mahal daw siya nito.
Dapat ay humingi siya ng saklolo para ipahuli ito pero napaisip siya kung ito ang makakatulong sa kanya para sa misyon niya. O ito kaya ang lalaking liligalig sa nahihimbing na puso niya?


PictureThe Sensual Intruder
Kiev Lazaredos was running away from trouble. Pumasok sa suite niya sa resort ang girlfriend ng pinsan niya at tinangka siyang i-seduce. Nang hindi niya ito patulan, inakusahan siya nito na gusto niya itong gahasain. Wala siyang choice kundi ang tumalon sa terrace ng katabing kuwarto niya para makatakas. Masuwerte siya dahil bukas ang pinto roon at doon siya pansamantalang nagtago.
Paalis na sana siya nang magising ang lasing na babae na umookupa sa silid na iyon. Brokenhearted daw ito. Hiniwalayan daw ito ng nobyo nito dahil boring at frigid daw ito. She mistook him for someone else—ang gigolo na ipinadala ng kaibigan nito para turuan ito kung paano maging isang sensuwal na babae.
Kung malalaman nito na hindi siya ang inaasahan nito, tiyak na maaakusahan na naman siyang rapist sa pangalawang pagkakataon sa gabing iyon. But if he wanted to save his ass, he must teach this innocent lady how to be a passionate woman.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s