MLMH

Picture Bonifacio
[ Teaser: Unavailable ]

 

 


PictureCutter Lord
Umuwi ng Pilipinas si Marteena para pigilan ang pagpapakasal ng kanyang Papa sa gold digger na si April. Kahit na napatunayan na niyang pera lang ng pamilya nila ang habol ng babae ay tumanggi pa rin itong hiwalayan ng Papa niya.
Kaya napilitan siyang makipagkasundo kay Cutter Lord Vijandre, ang dating nobyo ni April at mortal na kaaway ng kanyang Papa. Natuklasan ng Papa niya ang balak niya at itinakwil siya nito. Wala siyang ibang natakbuhan kundi si Cutter.
At ito ang tumulong sa pagtuklas niya sa lihim ng kanyang ama at sa pagkilala sa sarili niya habang inaangkin nito ang puso niya.


PictureSilang, The Fierce Warrior
Na kay Aiesha na ang lahat. Kabilang siya sa isang mayamang pamilya at nakatakda na siyang ikasal kay Aldrich—ang boyfriend niya na nagmula sa isang sikat na angkan ng mga pulitiko at may-ari ng isa sa mga pinakamalaking kompanya ng minahan sa bansa.
Subalit nagbago ang buhay niya nang malaman niyang niloloko lang siya ni Aldrich. Noon niya nakilala si Silang Aladeo—ang guwapong miyembro ng tribu ng Gangan sa Cordillera. Misyon nitong ibalik ang nawawalang mummies ng mga ninuno nito—na pinaniniwalaan nitong ninakaw ng pamilya ni Aldrich—para mawala ang sumpa sa tribu nito.
Isa lang ang solusyong naisip ni Aiesha para maibalik ang nawawalang mummies at para matuloy ang kasal nila ni Aldrich: ang sumama kay Silang. Pero habang kasama niya ito, nag-iiba ang tibok ng puso niya. Alam niyang isang malaking sugal ang mahalin ang isang tulad nito, dahil tiyak na hindi ito matatanggap ng mapepera at mga maimpluwensiyang tao sa mundong ginagalawan niya.
Ngunit lalong hindi siya tanggap ng tribu nito!


PictureCloud
Kung first love ni Georgette si Cloud, siya naman ay major headache nito. Nang itinalaga ito ng parents niya na maging tagapagbantay niya sakaling may umaligid na manliligaw sa kanya, nasira ang pagkakataon nito na makadiskarte at i-date ang babaeng gusto nito.
Until a night changed the course of their lives forever. Sa muling pagkikita nila, handa na si Cloud na tuklasin ang kanyang madilim na nakaraan at itaya ang buhay nito para sa kanya. As if he loved her.
Pero mamahalin pa ba siya nito kapag nalaman nito ang tunay niyang pagkatao?


PictureAvondale
Naging disaster ang bagong trabaho ni Dayanna nang harass-in siya ng boss niya. Sa sobrang galit niya ay ginulpi niya ito nang magkaroon siya ng pagkakataon. Maagap na napigilan lang siya ng guwapong si Avondale Moresca kaya hindi niya napatay ang boss niyang manyakis.
Wala siyang tiwala rito kahit nang mag-offer ito ng tulong. “At bakit naman sasama ako sa iyo? Baka mamaya, ipa-salvage mo pa ako para walang magreklamo kay Mr. Despositio,” nakataas ang kilay na reaksiyon niya.
Hindi por que guwapo ito ay magpapauto na siya rito. Kahit pa nga guwapo ito, matipuno ang katawan, at masarap magpaakit dito, hindi niya isusuko ang dangal niya rito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s