Pastrybug

1511762_624056380975153_784169261_nI Remember the Boy—Bonifacio
Maxine never cares about love. Para sa kanya ay isa lang siyang normal high school student na abala sa pag-aaral at walang pakialam sa crush-crush habang ang mga kaedad niya ay nagliligawan na at may mga boyfriend at girlfriend na. Ang tanging goal niya ay maging pinakamatalinong estudyante ng St. Jerome Academy. Sa unang araw niya bilang sophomore student ay dumating sa buhay niya ang dalawang lalaki: Si Jerwin, ang nagbabantang umagaw sa trono niya bilang first honor sa klase nila. At si Bonifacio, ang mortal na kaaway ni Jerwin at isa sa pinakaguwapo sa eskuwelahan nila. Sa dalawa ay si Jerwin ang mato-tolerate niya. Marami silang pagkakapareho at dahil sa kabaitan nito ay nahulog ang loob niya rito. Habang angkin ni Bonifacio ang lahat ng kinaaasaran niya sa lalaki—mahangin, tamad mag-aral at ang hilig lang asikasuhin ay ang kababaihan sa buhay nito. And he pisses her off all the time. Hanggang isang araw ay inalok nito ang sarili bilang aliping saguiguilid niya para makabawi sa pambubuwisit sa kanya—alalay, bodyguard, tagabitbit ng gamit, yaya, at iba pa. Magiging anino niya ang pinakaguwapong lalaki sa St. Jerome Academy? Paano ang mga babae at pa-girl na humahabol kay Bonifacio? Paano pa mapapansin ni Jerwin si Maxine kung lagi niyang kadikit ang mortal nitong kaaway? And her high school life is being turned upside-down.


15551599-256-k707386I Remember the Boy—Bonifacio Book 2
Parang sinabugan ng bomba si Maxine—una ay nalaman niya na hindi siya ang gusto ng crush niyang si Jerwin. Nalaman din niya na ang kaibigan niyang heartthrob ng St. Jerome Academy na si Bonifacio ay siya ang gusto. Pero dahil inakala ng binata na hindi niya sineseryoso ang nararamdaman nito ay pinili ni Bonifacio na putulin ang pagkakaibigan nila.
Hindi alam ni Maxine kung ano ang mas masakit—ang masira ang pag-asa niya na gusto rin siya ni Jerwin o ang masira ang pagkakaibigan nila ni Bonifacio.
Ginawa ng dalaga ang lahat para mabawi ang pagkakaibigan nila ni Bonifacio pero patuloy ito sa paglayo sa kanya. Hanggang magdesisyong umalis ang binata ng St. Jerome Academy…


541944_657763907604400_2147067125_nTo Catch A Dream
Napasugod sa isang bar si Dreamilyn para sagipin ang estudyante niyang menor de edad na baliw na baliw kay Casey Jimenez, isang sikat na rockstar at pangarap ng maraming mga kababaihan. Sa palagay niya ay `di ito magandang impluwensiya sa mga kabataan lalo na’t nang-aakit ang hubad na larawan nito na nakakapagpawala ng katinuan sa kahit sinong kababaihan.
Pero parang sinapian ng espiritu ng mga groupies ni Casey si Dreamilyn nang maghubad mismo ang binata sa harap niya at inihagis sa kanya ang T-shirt nito. Nabaliw siya sa makisig na katawan at magandang abs ni Casey. Ang masama pa sa huli ay siya ang nabaligtad at ayaw ibigay ng binata sa kanya ang estudyante niya.
“You are the devil.”
Isang nanunuksong ngiti ang gumuhit sa labi nito. “Kailan ka nagdesisyon na demonyo ako? Bago o matapos kang mag-enjoy sa performance ko habang isinisigaw mo ang pangalan ko? Bago o matapos mong saluhin ang T-shirt ko at inamoy-amoy iyon?”


 

 

2 thoughts on “Pastrybug

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s