Pirate Lords

Moonlight Bride 1
Villa Celesta was Callea’s sanctuary. It was a rundown 1920s mansion that her family owned. Nanganib iyon na mawala sa pangangalaga niya dahil ayon sa tradisyon, panganay na lalaking Lopez lamang ang maaaring magmay-ari niyon. Isa lang ang paraan para makuha niya ang mansion—ang pakasalan si Deive Hontiveros.
Deive was a handsome prince. Unang beses pa lang na nasulyapan niya ito, nagrambol na ang puso at lamang-loob niya. Nakikita siya nito bilang isang magandang prinsesa at hindi ito nagdadalawang-isip na pakasalan siya. At handa rin itong protektahan siya mula sa mga kampon ng kadiliman na lumalabas sa Villa Celesta.
Pero nanaisin pa rin kaya nitong pakasalan siya oras na malaman nitong kaisa siya ng kadiliman?


Moonlight Bride 2
The deal was sealed between Deive and Callea. Pakakasalan siya nito para makuha niya ang Villa Celesta at makuha naman nito ang kalayaan mula sa lolo nito at ang pera para maitayo ang pangarap nitong negosyo. It was a perfect team up to beat their manipulative grandfathers.
Ang akala niya ay kasama na sa kasunduan nila ni Deive na igagalang nito ang katauhan niya. Ngunit nang iparada nito ang kagandahan niya sa harap ng maraming tao, muling gumuho ang mundo niya at nagbalik na naman ang mga multong kinatatakutan niya.
Ang kagandahan niya ang tanging paraan para magtagumpay ang plano nila ni Deive. Iyon lang din ang paraan para makuha niya ang puso nito.
Pero paano niya haharapin ang multo ng nakaraan niya dahil sa kagandahan niya? Kaya ba niyang ibuwis muli ang kanyang buhay… at ni Deive?


151081_151141658266630_7827186_nConquering The Pirate Lord
Simple lang ang plano ni Jeremie sa pagsama sa cruise— ang mag-relax bago siya bumalik sa Pilipinas at harapin ang mga responsibilidad niya sa pamilya niya.
Hanggang mapanalunan niya sa isang game ang isang date kasama si Lucian Montecillo, who was also known as the Pirate Lord. He owned Asia’s most promising cruise ship. Guwapo sana ito pero suplado at parang allergic sa mga babae.
Ayaw nito sa kanya and the feeling was mutual. Pero nang halikan siya nito, nayanig ang mundo niya at nagkabuhul-buhol ang tibok ng puso niya.
Natagpuan na lamang niya ang sariling nangangarap na sana ay madugtungan pa ang ugnayan nila…


156849_151140191600110_885032_nThe Seductive’s Pirate Tale
Hirap si Demi na magtiwala sa mga lalaki. Hindi pa man siya isinisilang ay iniwan na ang nanay niya ng kanyang ama. Nakikita rin niya kung paano masaktan ang nanay niya kapag natatapos ang mga nagiging relasyon nito. Para sa kanya ay pinaglalaruan lang ng mga lalaki ang mga babae.
At ganoon mismo ang ginagawa ni Sidney, ang anak ng presidenteng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Ngunit sa tawag ng tungkulin, kinailangan magpanggap sila bilang magkasintahan.
Binibiro siguro siya ng tadhana dahil sa pagkakalapit nila ay nadiskubre niya ang magagandang katangian nito. At tulad ng ibang kababaihan, unti-unti na rin siyang nahuhulog dito…


63427_151140241600105_28777_nIf I Give You My Heart
Hindi inaasahan ni Charisma na muling magtatagpo ang mga landas nila ni Averill nang sumama siya sa isang cruise. Malinaw na malinaw pa rin sa alaala niya ang kahihiyang nangyari nang muntik nang ipakasal ito sa kanya noon ng mga magulang niya.
Ngayon ay nakatakdang bumalik ito sa buhay niya. Sa pagkakataong iyon ay tila nakatakdang itama rin nito ang lahat ng mali sa buhay niya. At ngayon ay handa na rin itong angkinin ang puso niya.
Subalit maraming agam-agam ang pumipigil sa kanya. Hindi niya alam kung dapat pa niyang ipagkatiwala ang puso niya rito…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s