Batch 2

PictureSAPPHIRE, Mystic Moonlight
Sapphire had given up Arthur–the man she loved–to pursue her dream of becoming a painter. Mas pinili niya ang magandang career sa New York kaysa manirahan at magkaroon ng tahimik na buhay sa bulubundukin ng Sagada. After two years, she was at the top of her career. But she was alone and still yearning for Arthur.
Nagdesisyon siyang bumalik sa Sagada,
Nang bumalik siya roon, nakita niya ang lahat ng nawala sa kanya nang hindi niya piliin si Arthur. Tinutupad na nito ang lahat ng pangarap nito kasama ang ibang babae. Malabo nang maibalik pa niya ang pagmamahal nito sa kanya.
She had given up on him. Until one night, while she was drunk, she asked him to kiss her and love her again.
Would he reject her?


PictureKRISTOFFER CARLO, The Highland Devil

On the night of the eve of May, Evaine asked the mirror to show her the man she would marry. Sa halip na ang lalaking pakakasalan ang kanyang nakita, isang demonyo ang lumabas sa salamin. Isang “demonyong” nagngangalang KC, ang nag-iisang lalaking minahal niya at nag-iwan ng sugat sa kanyang puso. Ito ang dahila kung bakit siya nagpunta sa Sagada – upang kalimutan ang ginawang pananakit nito sa kanyang damdamin.
Ginagap nito ang kamay niyang may hawak na kandila. “I’m not KC. I am the devil,” anito.
And the devil kissed her.
Sa gulat niya, naramdaman niya ang kakaibang tibok ng kanyang puso na tanging ito lang ang nakakagawa.
And she realized she was not over him after all…


PictureKLEIN, Kiss of Dawn
Simple lang naman ang gusto ni Shandie sa isang lalaki: guwapo, matured–at above thirty. Pero pakiramdam niya ay isinumpa siya dahil sa loob lang ng ilang buwan, dalawang lalaki na ang nag-reject sa kanya.They fell under her category of her ideal man–but she didn’t fall under their ideal girl category. Isa lang ang naiisip niyang dahilan–karma. Because once in her life, she made a guy fall in love with her. Pero pinaglaruan lang niya si Klein. Now that he was back in her life, it looked like he was ready to wreak havoc in her emotions.Pero hindi siya papayag! She wouldn’t fall for him because he was not her ideal guy.
Hindi nga ba?


PictureFAWNA, Summer Breeze
“Every summer, I’ll wait for you here,” pangako ni Lycerge kay Fawna.It was the first summer they promised to love each other forever. They were so young and in love.
Ngunit nagbago ang lahat ng magpasya si Lycerge na tumakbo sa local election. Nag-iba na ang priority nito ng manalo ito. Malayo iyon sa prinsipyo na ipinaglalaban ni Fawna-ang panatilihing buo at sagrado ang kultura ng Sagada.
She decided to run away from him, live the life of a vagabond. At nangako siya na hinding-hindi siya tatapak sa Sagada, ang bayang minahal niya na nakatakdang “sirain” ng lalaking mahal niya.But she learned that she couldn’t run away from him forever. Kailangan at napilitan siyang bumalik sa Sagada.
Madurugtungan kaya ang pag-iibigan nila sa pagbabalik niyang iyon?


PictureLEONARD, The Wild Wind
Cindra’s heart flipped inside her chest when she first saw Leonard at an MRT Station. Nabighani siya sa napakagwapong mukha nito. At lalo siyang humanga rito nang ipagtanggol siya nito sa mga lalaking estudyanteng biglang nambastos sa kanya. Ito rin ang nakapulot at nagbalik ng importanteng draft ng play na isinusulat niya.She had finally found the hero she was looking for.
She was in love.
Pero walang puwang ang pag-ibig sa puso nito dahil puno ng poot iyon–poot para sa pamilya ng ama nito na ayaw kilalanin ito at ang ina nito bilang kabilang sa pamilya Lizardo.Kakalimutan na ba lang ba niya ito? O patuloy na mamahalin niya ito kahit sa malayuan?


PictureDASHIELLE, Wolf’s Rain
Dashielle was a grand-slam tennis champion. Nalusutan niya ang lahat ng hirap sa buhay at nakamit niya ang kanyang pangarap. But she was a total failure where Wolf Anthony Allen was concerned. He was the half Apache-half Irish hunk she was in love with.Bigo siya sa pag-ibig dito dahil isang kapatid lang ang tingin nito sa kanya.
“Go ahead and kiss me,” hamon niya rito minsan.
Maybe with that kiss, she might be able to prove a few things: Una, na hindi na siya bata gaya ng tingin nito sa kanya. Pangalawa, mapapatunayan niya kung kapatid pa rin ang magiging turing nito sa kanya o hindi na. Pangatlo, that finally he would see her in a different light—he would see her as a woman.
Magtagumpay kaya siya?


PictureRAPHAEL, Sunset Shadow 1
Zygryd was her father’s headache. Wala na raw siyang ginawa kundi ang sumuong sa gulo. But she was simply a girl who wanted to enjoy life.Then she met Lander, the man her father hired to be her bodyguard. He tamed her, and taught her the best lessons in life. Dahil dito ay natuto siyang magtiwala—at umibig.
Subalit hindi sa kanya ang puso nito. Nabihag iyon—of all women!—ng stepsister niyang hate na hate niya.
Ang nakakatawa, siya pa ang naging tagapagtanggol sa pag-iibigan ng mga ito dahil kontra doon ang stepmother niya.
Nagpaka-martyr siya habang nagdurugo ang kanyang puso. Hanggang kailan siya magtitiis sa ngalan ng pag-ibig niya kay Lander?

Picture RAPHAEL, Sunset Shadow 2
Lumayo si Zygryd kay Lander upang makasama nito ang babaeng tunay na mahal nito. Ngunit nang magkita uli sila, nagulat siya nang matuklasan niyang hindi na ito ang lalaking minahal niya. Iba na ang pagkatao nito. Ito na si Raphael, ang nawawalang anak ng mayamang Lizardo.
Maging ito man ay nagulat nang makita nito ang anak niyang si Lawrenz, ang naging “bunga” ng kanilang pagmamahalan noon.
She fell in love with him for the second time. At sa pagkakataong iyon ay mas minahal pa niya ito. Kung kailan lumalambot na ang puso nito ay saka naman nakatakdang malaman nito ang lihim na iniingatan niya—ang lihim na nakatakdang sumira uli sa kanila…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s