STALLION ISLAND

Picture

Misha Santoros
Si Rahya, ang kanyang pinsang si Rome, at ang nobyo nitong si Misha ang tatlong pinakamahalagang tao sa kanilang company. Atas ng kanyang lolo na may-ari ng kompanya na alalayan niya si Rome. Business muna bago ang anupaman. Kaya hindi pa puwedeng makipag-date si Rahya habang hindi pa naikakasal ang pinsan niya kay Misha. Pero tuluyang lumala ang relasyon ng mga ito. Dahil doon ay nadamay ang project nila sa Stallion shampoo. Iyon pa naman ang magiging passport niya sa pagpasok sa Stallion Island. Isa lang ang paraan para magkasundo ang mga ito: ang turuan niya si Misha na maging perfect boyfriend sa pinsan niya.Pero habang ginagawa niya iyon, unti-unti siyang nahuhulog kay Misha. Siya na ang nagiging perfect girlfriend para dito.


Picture Jayson Alden Arcena
Kung isang fairy tale para sa karamihan sa mga kababaihan sa Pilipinas na makadaupang-palad ang isang miyembro ng Stallion Island na katulad ni Jayson Alden Arcena, isa naman iyong bangungot para kay Imhan. Maraming pagkakataon sa buhay niya ang nasisira dahil sa pakikialam nito at pagiging sipsip sa mga magulang niya. At ang nakakainis pa, isang ngiti lang ni Jayson sa kanya, parang Jell-O na sa lambot ang mga tuhod niya.Hanggang dumating ang oras na kinakailangan niya ang tulong ni Jayson. Isang kasunduan ang kailangan niyang tuparin. And she knew that it could put her heart on the line…

 


Picture Yzaak Argoncillo
Ballet was Rayanne Nolliedo’s life. Pangarap niyang maging isang magaling na ballerina. But she had another dream–Yzaak Argoncillo, sleeping dragon prince. He was the only man who could make her knees weak. At ang halik lang nito ang muling nagpatibok sa kanyang puso. Just when she put her heart in his hands, he crushed it mercilessly. Naniniwala itong siya ang pumatay sa kapatid nito at kaibigan niyang si Sylvette.

 


Picture Leigh Armaund Lopez
Filipina Cornejo was a tough future lawyer. Pero pagdating kay TJ Javellana ay laglag agad ang panga niya. He was her dream man. Ito lang ang dahilan kung bakit gusto niyang tumapak sa sikat na Stallion Island. Kaya nang manalo siya s free passes para makapasok sa eksklusibong isla dahil sa isang Trip to Jerusalem game, hindi niya pinalagpas ang pagkakataon. She must seize the opportunity. In her quest to see TJ, she came face to face with her ex-boyfriend Leigh Armaund Lopez. Lee was her nightmare yet he was the only man who could turn her heart around. Pero wala siyang magagawa sa isang lalaki na hindi kayang tanggapin ang lakas niya bilang babae at hindi rin nito kailangan ng babaeng katulad niya na kayang protektahan ang sarili. Pero bakit sinasabi ng puso niay na kailangan pa rin niya ito sa buhay niya?


Picture Chrome Venitio
Sahara was one of the most sought-after commercial endorsers after winning an Olympic gold medal. Siya rin ang napiling bagong endorser ng Stallion Shampoo and Conditioner kaya siya napadpad sa pamosong Stallion Island.
Subalit may isang requirement para magawa niya ang Stallion Shampoo commercial. Kailangan niyang matutong sumakay sa kabayo na siyang tatak ng bawat commercial ng Stallion Shampoo. But she hated horses.
Isang lalaki ang naatasan para magawa niya ang trabaho niya—si Chrome Venitio, ang stable master ng Stallion Island. Subalit si Chrome ang isang taong ayaw na niyang makita o makasama.
Ito at ang pamilya nito ang sumira sa pamilya niya. At ito rin ang lalaking kahuli-hulihang pagbibigyan niya ng kanyang puso kahit ito pa ang piliin ng puso niya.


Picture Jairon Vince Yun
Kung may lugar sa mundo na ayaw tapakan ni Alexandrea, iyon na marahil ang Stallion Island Riding and Leisure Club. Kahit iyon pa ang pinakamagandang lugar sa mundo, hindi na niya nanaising makita pa ang ex-boyfriend niyang si Jairon Vince Yun. Nang mag-break sila ay hindi man lang siya hinabol nito. Ni minsan ay hindi nakiusap itong bumalik sa kanya. At hindi nito pinahalagahan ang pagmamahal niya kahit isinuko niya ang kanyang pangarap para dito.
But when her brother Alessandrace left for a Tibetan expedition, he left his martial arts dojo Mist Fusion into her hands. At ang aalalay sa kanya ay si Jairon.
Nagsilbing isang malaking battlefield ang Stallion Island para sa kanila ni Jairon. Subalit sino nga ba ang mananalo? Ang isip na nagsasabing hindi na niya dapat mahalin ito—o ang puso niyang hanggang ngayon ay hangal pa rin sa pagmamahal dito?


Picture Alessandrace Sandejas
Bilang isang sikat na kayak explorer, naging misyon na ni Summeria at ng mga kapatid niya na makapagsagwan sa pinakamalalim na river gorge sa mundo—ang Tsangpo River ng Tibet. Subalit hindi matutuloy ang mapangahas na paglalakbay na iyon kung hindi kasama si Alessandrace Sandejas, ang lalaking minsan na niyang tinalikuran. At ngayon, siya ang naatasan na magsama rito sa Tibet o hindi matutuloy ang trip nila roon. But Drace had a quiet life in Stallion Island now. Ang huling bagay na nanaisin nitong gawin ay ang bumalik sa delikadong exploration at ang makita siya.Handa siyang gawin ang lahat para lang matuloy ang pagtungo nila sa Tibet kasama ito. Kahit maging alipin pa siya nito habang-buhay…

 


Picture Torque Lopez III
Ikakasal na lang si Sissy sa guwapong boyfriend niyang si Leo nang makita uli nito ang dating nobyang may asawa at doon piniling sumama.
Ngunit kung kailan handa na siyang mag-move on ay saka naman ito bumalik at nakikiusap na ituloy nila ang kasal.
Nakaluhod pa itong nag-propose sa kanya sa harap ng maraming tao sa paborito nilang restaurant.
Tinabig niya ang kamay nito na may hawak na engagement ring.“Bakit ako magtitiyaga sa iyo? I got news for you, Leo. Malapit na akong umalis papuntang Stallion Island. Sa dami ng guwapo, sikat, at mayayamang lalaki roon, baka nga hindi na kita maalala. Kaya huwag ka nang umasa sa akin.”“Excuse me,” bigla na lang sinabi sa kanya ng guwapo at matangkad na lalaki. He had dark, penetrating eyes that touched her soul. Nang mga oras na iyon, naglaho ang mundo at unang natunaw ang taksil na ex-boyfriend niyang si Leo. Nandito ba ito para sagipin siya mula sa kabiguan ng puso niya?
Sa palagay niya ay kayang-kaya nitong tanggalin ang hinanakit sa puso niya.
Subalit parang wala itong plano na sagipin siya mula kay Leo. Ni hindi nga ito ngumingiti.
Saka lang niya napansin ang singsing na nasa ilalim ng kopita ng white wine nito.
Mukhang doon tumalsik ang singsing mula sa kamay ng kanyang ex na tinabig niya kanina…


Picture Warren Li
Bukod sa pagyaman ay may isa pang misyon si Leica sa pananatili sa Stallion Island—ang espiyahan si Warren Li para sa kaibigan niyang si Carlyn. Nangako itong pakakasalan ang kaibigan niya. Iyon pala ay nambababae lang ito sa isla. At sa kasamaang-palad ay isa siya sa mga babaeng iyon na inaakit nito. Sa isang ngiti lang nito ay nabibighani na ang mga babae rito. Hindi siya immuned sa charm ni Warren, pero hindi ibig sabihin na katulad siya ng ibang mga babae na willing magpauto rito. Magagaya lang siya sa mga iyon na ibabasura lang nito pagkatapos.Isang kaaway si Warren. Kaya nitong mapatalsik siya sa Stallion Island. At oras na mahuli siya nito sapag-eespiya niya, hindi na siya makatutuntong pa roon—at kasama niyon ang paglaho ng pangarap niya.
Paano kaya kung ang igawad nitong kaparusahan sa kanya ay ang pagbihag sa puso niya.


Picture Julian Veron Yun
Nang hindi matanggap sa Stallion Riding Club si Arjhilleyne, ang akala niya ay wasak na ang lahat ng pangarap niya. Pero muling nabuo iyon nang makapasok siya sa Stallion Island. Dati ay sa romance novel lamang niya nakakasama ang maladiyos na kaguwapuhan ng mga Stallion boys, pero ngayon ay may tsansa na siyang maging isa sa mga prinsesa ng mga ito. Pero may hadlang sa pangarap niya—si Julian Veron Yun na walang ginawa kundi sirain ang mga diskarte niya at akitin siya. Ngayon ay nanganganib siyang mapalayas sa Stallion Island dahil sa kagagawan nito.Isa lang ang paraan para hindi siya mapaalis sa island—kailangang matapos niya ang parusa sa kanya ng mga village lords at huwag silang mag-aaway ni Julian. Puwede ba namang hindi sila mag-away nito? At paano niya pipigilan ang sarili na mairita rito at maakit at
the same time?


Picture Draco Montague
Tennessee was trapped. Sa pag-aakala ni Draco na may relasyon sila ng kapatid nito ay kinaladkad siya nito sa Stallion Island. Hindi raw ito titigil hangga’t hindi siya nai-in love sa ibang lalaki dahil hindi siya karapat-dapat sa kapatid nito. Hanggang sa dumating ang kanyang dating kasintahang si Ryan na gusto uling guluhin ang kanyang buhay.
“Papayag ako na maging boyfriend mo para itaboy ang lalaking iyon. Magpapanggap lang ako. Huwag kang mai-in love sa akin ani Draco.”
Mukhang imposible ang hinihingi nitong kondisyon sa kanya. Una ay in love na siya rito noon pa man, kahit tinagurian itong “prince of darkness” ng Stallion Island—always in a foul mood at hindi ngumingiti.
At nadodoble pa ang nararamdaman niya para dito sa bawat halik at haplos nito sa kanya. Puwede kaya niyang hilingin dito na huwag na lang gawing kunwa-kunwarian ang lahat?


Picture Noah Ames Munieca
Para mabawi ni Olay ang kapatid niya ay kailangan niyang makapasok sa Stallion Island. Doon muling nagkrus ang mga landas nila ni Noah Ames, ang lalaking ayaw na niyang makita pa.
Nang malaman nito ang sekreto niya na nandaya siya para manalo sa gay beauty pageant ay inani niya ang galit nito. Binigyan siya nito ng dalawang buwan para ibalik ang premyong nakuha niya sa pageant, kung hindi ay paalisin siya nito sa isla at ibubulgar nito ang sekreto niya.
Pero posible ba na ma-in love siya sa lalaking walang tiwala sa kanya, lalo na’t pinangakuan din siya nito ng isang halik na makpagpapabaliw sa kanya?
Tatakbo na lang ba siya palayo sa tawag ng tukso? O isususgal niya ang puso kahit na masaktan siya?


Picture Slade Villacorta
Hindi feel ni Josefa ang mga miyembro ng Stallion Island, lalo na ang mayabang na si Slade Villacorta. Inakusahan siya nitong may modus operandi para lang kumita ang auto shop niya, samantalang wala naman itong kaalam-alam tungkol sa mga sasakyan.
Sa kamalas-malasan ay isinali siya ng kanyang ina at kapatid sa Stallion Shampoo Makeover Challenge. At ang Prince Charming niya ay si Slade mismo.
Kailangan niyang manalo sa contest na iyon upang matupad ang isang matagal na niyang hinihiling sa Diyos para sa kanyang pamilya. Pero paano naman siya mananalo kung sinisira ni Slade ang bawat diskarte niya sa patimpalak na iyon? Gusto nitong patunayan na bago matapos ang kompetisyong iyon ay in love na siya rito.


Picture Zachary Fontana
Gabriella was no Maria Clara. Para sa kanya ay isa siyang matapang na babaeng handang ipaglaban ang lahat ng pinaniniwalaan niyang tama. At hindi siya ang babaeng iiyak-iyak lang sa isang tabi.
Subalit napilitan siyang umaktong a la Maria Clara para i-please si Zachary Fontana, ang pinakaguwapong nilalang na nakilala niya sa buong buhay niya.
Paano pa niya maipapakilala ang totoong sarili kung hindi siya ang babaeng type nito? At paano naman babawi ang puso niya oras na malaman nito ang totoo?


15Cody Lance Santilla
Si Cody Lance Santillia ang first love ni Freezia. Wala siyang pakialam sa reputasyon nito bilang isang notorious playboy. Hindi nito kasalanan na ipinanganak itong taglay ang halos lahat ng katangiang maaaring magustuhan ng isang babae sa isang lalaki.
Naniniwala rin siya na siya ang nakatadhana para magpatino rito. Kaya tuwang-tuwa siya nang yayain siya nitong sabay silang mananghalian. Isang magandang simula iyon para sa kanilang dalawa. Pero mali pala siya. Isasama lang pala siya nito sa listahan ng mga babaeng pinaluha nito.
Pagkalipas ng sampung taon ay nagkrus uli ang kanilang mga landas. Gusto niyang iwasan ito pero tila may misyon naman ito na maging anino niya.
God help her! Nanganganib na naman kasing mahulog sa bitag nito ang puso niya…


16Trick Vergara
Kinaiinggitan ng kababaihan si Vix dahil siya ang babaeng pakakasalan ni Trick Vergara na miyembro ng Stallion Island Leisure and Riding Club. Pero nang mapili siyang tumakbong mayor ng San Martin ay nagbago ang ihip ng hangin. Nawala sa kanya si Trick.
Pero hindi siya susuko. She must get him back. Isa lang ang kondisyon ni Trick para bumalik ito sa
kanya—ang iwan ni Vix ang politika. Pero ang pagpasok sa politika ang tanging pag-asa niya para makuha ang pagmamahal ng kanyang mama.
Sino ang pipiliin ni Vix?


17Andreev Montinola
“Katawan ko lang ang habol mo sa akin?”
“Sino naman ang may sabing liligawan kita? Mas lalaki ka pa nga sa akin, Jazzmire. Hindi tayo talo.”
Si Andreev Montinola ang first love ni Jazzmire. Sa kasamaang-palad ay binasted siya ng lalaki.
Sa muli nilang pagkikita sa Stallion Island, siya ang nanalo sa isang dating game na kasali si Andreev. Sa kasamaang-palad uli, pinagbintangan nito si Jazzmire na tina-trap para makasal sila.
She just hated him. Give up na talaga si Jazzmire. Pero hindi inaasahan ay natikman niya ang halik ni Andreev—at nangalog ang mga tuhod niya. Isusugal ba uli ni Jazzmire ang kanyang puso sa dragon lord ng Stallion Island?

Advertisements

One thought on “STALLION ISLAND

  1. REQUEST COPY OF “STALLION ISLAND” VILLAGE LORDS AND PRINCE ROSTAM…PLEASE PO… I REALLY REALLY LOVE YOUR STALLION SERIES MISS SOFIA… I COLLECTED IT…I HOPE TO HAVE A COPY OF ALL YOUR STALLION SERIES…PLEASE REPRINT…THANK YOU!!!

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s