Batch 4

PictureJOHANN CRISTOBAL
Ipinangako ni Fridah Mae sa sarili na hindi na niya kakausapin o titingnan man lang si Cedric Johannson Cristobal, ang ubod ng sungit na kaibigan ng kuya niya. Hindi niya matanggap na binasted nito ang kagandahan niya at ipinagpalit siya sa isang babaeng hipon.Pero nang magkita uli sila sa Stallion Riding Club, nagbago bigla ang ihip ng hangin. Parang sinapian na naman siya espiritu ng nakaraan niya at nabaliw na naman siya rito.
Sa pagkakataong iyon, hindi na siya uurong sa laban kahit babaeng hipon, balyena o pating pa ang humarang sa kanya. Sa kanya lang si Johann.


PictureGIANPAOLO ARAGON
Maganda na ang takbo ng buhay at career ni Dafhny. She was working on her dream project as an interior designer—the reconstruction of Casa Rosa. Pero hindi dream project ang Casa Rosa dahil sa kuwentong-multo na tumatakot sa kanya. And she was definitely scared of ghosts.Gianpaolo Aragon, a certified babe of Stallion Riding Club, offered to look after her. Ito raw ang poprotekta sa kanya mula sa masasamang espiritu. Pero paano ba mapapanuto ang trabaho niya kung maya’t maya siyang inaakit nito? Magpapaakit na lang ba siya o habang-buhay na tatakbo palayo rito?


PictureTHYAGO PALACIOS
Liyah’s idea of an ideal man was someone like her brother. She knew it was stupid. Nobody could be like her brother. Ngunit nang lokohin nito ang babaeng minahal, gumuho ang paghanga niya rito.Thyago Palacios may not be her dream man. He was the exact opposite of her brother. In fact, he was a terrible plaboy. Malayung- malayo nga ito sa kuya niya na malambing at mapagmahal, pero susugal siya. Baka hindi rin ito katulad ng kuya niya na iniiwan ang babaeng minamahal…


PictureHAYDEN ANTHONY ILANO
Katulad ng ibang kababaihan, ambisyon din ni Rei ang makapasok sa Stallion Riding Club sa pag-asang naroon ang lalaking makakasama niya habang-buhay. Ngunit ang natagpuan niya roon ay si Hayden Ilano, ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso. Subalit mayroon itong maraming lihim na hindi alam ng iba. Kasama na roon ang dahilan kung bakit hindi nito maaaring mahalin siya.”I want us to start anew, Rei. Bigyan mo ako ng pagkakataon na maipakita kung sino ang totoong ako,” pakiusap nito.
Sino nga ba ang totoong Hayden? At bakit kahit anong pilit niyang talikuran ang pagmamahal niya rito ay pilit pa ring lumilingon ang puso niya?


PictureJOZIAH GATCHALIAN
Si Joziah ang isang bahagi ng nakaraan ni Brescia na ayaw na niyang balikan. Subalit paano kung ito mismo ang sumunod sa kanya para muling mahalin siya. Handa nang itama ni Joziah ang lahat ng mali sa pagmamahalan nila noon. Kaya ba niyang tanggapin ang pagmamahal nito? Kaya rin ba niyang itama ang lahat at ihayag dito ang lahat ng sekretong itinatago niya sa kanyang puso?


PictureEIZHIRO FIGUEROA
Handang-handa na si Gianna upang sumali sa isang baduy na game show. Pakiramdam kasi niya ay iyon na lang ang pag-asa niya para makabayad sa lahat ng pagkakautang niya dahil sa kanyang papalubog nang computer shop.Subalit sa malas ay mukhang hindi siya kinakasihan ng tadhana. Sa gitna ng malakas na ulan, isang rumaragasang asul na sportscar ang nagpaligo sa kanya ng marumi at nakapandidiring tubig-baha. Nasira tuloy ang makeup niya, ang kanyang magandang buhok, pati ang kanyang bagong damit at sapatos.
“Excuse me!” pasigaw na sabi niya, pagkatapos ay kinatok ang tinted na windshield ng sasakyan.
Napanganga na lang siya nang bumaba ang bintana sa driver’s side at dumungaw ang driver. It was Eizhiro Figueroa, The King of Frown. At iyon na yata ang simula ng lahat ng kamalasan sa buhay niya. Dahil kahit saan siya pumunta ay wala na itong dinala sa kanya kundi kamalasan. Aakalain ba naman niyang pati puso niya ay raragasain nito?


PictureZAIRO MONTEVEDRA
Trizia hated everything with the letter “T” that day. Kinaltasan siya ng malaking tax, nahuli niya ang boyfriend niyang taksil na si Toby. And because there were no taxis around, she was harassed by some thugs. Mabuti na lang at dumating si Zairo Montevedra at iniligtas siya.Noong una ay wala siyang balak na pagkatiwalaan ito. Ang tingin kasi niya rito ay malala pa ito sa boyfriend niyang si Toby. Di hamak na mas bolero ito at mabulaklak ang dila. And he spelled only on name for her: trouble.
But Zairo seemed ready to prove that he could easily tease his way inside her heart. And he made sure she couldn’t resist him.


PictureMARK ASHLEY CAMELLO
Sa kanyang muling pagbabalik, ang tanging inasam ni Daeia ay ang tanggapin siya ng Aringan, ang tribung nagtakwil sa kanya nang matagal na panahon. Nang malaman niyang tatanggapin siya, natuwa siya. Pero mabigat naman ang kapalit.Kailangan niyang pagtiisan ang presensiya roon ni Mark Ashley Camello, ang pinakaguwapo pero pinakaaroganteng lalaking nakilala niya sa buong buhay niya. Ngunit sa kabila niyon ay natutuhan pa rin niyang mahalin ito.
At nang makasama niya ito sa Stallion Riding Club, parang ayaw na niyang bumalik uli sa Aringan. Ang nais na lang niya ay manatili roon. Sa piling nito…


PictureDANRICK TEZZORO
Bonggang-bongga ang beauty ni Vienezze nang makasampa siya sa Stallion Riding Club. Malapit nang matupad ang pangarap niya na makasama sa mga elite at makapag-asawa ng isang guwapo at mayamang miyembro ng riding club. Sa kasamaang-palad, isang guwapo, makisig at hot na maggugulay ang nakatakdang maging kontrabida sa pangarap niya–si Danrick Tezzoro. Ilang mga kababaihan na sa Stallion Leisure Spa ang nag-resign dahil sa pagiging terror nito. At mukhang siya ang bagong pag-iinitan nito.
Tingnan lang niya kung hindi ito lumambot sa alindog niya.


PictureRICHARD DON ROBLES
Para kay Danzelle Ann isang babaero, lampa at makasarili si Richard Don. Kaya nang ipatapon siya sa riding club upang tulungan ito sa Lakeside Café‚ and Restaurant kung saan kasosyo nito ang kapatid niya, parang nagdeklara na rin sila ng World War Three sa isa’t isa. She hated him while he loved to tease her. At mukhang alam nito ang paraan para panginigin ang mga tuhod niya at pabilisin ang tibok ng puso niya.
She shouldn’t underestimate him. He was a very dangerous enemy.


PictureMYCO GOSIACO 1
Olympia Montez was out to save the world. Isang impormasyon ang nakuha niya na isang terorista ang kinakanlong ng Stallion Riding Club. Kaya pumasok siya roon bilang si Florecina Malaybalay, ang ambisyosang housekeeper na ang gusto lang ay makapag-asawa ng guwapong member ng riding club. Wala siyang planong ma-in love kung hindi lang humara-hara sa daraanan niya si Myco Gosiaco, ang masungit at supladong head ng security ng riding club.
Isang kalaban si Myco. Pero bakit nanatiling sutil at hindi nakikinig ang puso niya?

PictureMYCO GOSIACO 2
Olympia threw caution to the wind when she fell in love with Myco Gosiaco. Nakalimutan na niya ang responsibilidad niya sa mundo. Subalit paano kung lumabas na ang totoong pagkatao niya? Paano kung malaman na ni Myco na siya ang mortal na kaaway nito? Kaya ba niyang itapon na lang sa hangin ang pag-ibig niya rito o pipiliin niya ang tanggapin ang galit nito at patuloy na mahalin ito?


PictureREIVEN ALLEJE
Ang akala ni Sofiajade ay hindi na muling titibok ang kanyang puso mula nang mawala ang virologist na si Reiven. Isang aksidente ang kinasangkutan nito nang mag-training ito sa isang pharmaceutical company sa Venezuela. At nabalitang patay na ito. Ngunit kung ang mga mata ay nagkakamali ng tingin minsan, hindi ang puso. Hindi maaaring hindi iyon makakilala. Kaya kahit anong pagkumbinsi ng paningin niya na hindi si Reiven ang estrangherong nakita niya na naliligo sa talon, sa bulubundukin ng Cordillera, naghuhumiyaw naman ang kanyang puso na si Reiven nga ang lalaki!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s